Monday, May 15, 2006

Thank You

Sa lahat ng mga nakiisa sa isa sa mga pinakamasayang araw ng aming buhay, Maraming Salamat sa inyong lahat. Sa mga hindi nakarating , pero nagpahatid ng pagbati... hindi rin namin kayo malilimutan. Sana ay patuloy kayong maging tunay na kaibigan at karamay sa hirap man o ginhawa. Sa aking asawa... Hindi ko kailanman malilimutan ang kasiyahang naidulot mo sa akin nang pumayag kang maging kaisa ng aking buhay at habang buhay kong ipakikita sa iyo ang tunay na pagmamahal na nararapat lamang sa isang taong katulad mo. Sa mga sakripisyo at hirap na dinanas mo habang naghahanda sa ating kasal, maraming, maraming salamat. Hindi ko inaasahan na magiging ganoon kaganda at kasaya ang araw na iyon. Maaring may mga panahon na inakala mong wala akong interes sa paghahanda para sa araw ng ating kasal ngunit gusto kong malaman mo na buong puso ang pagtitiwala ko sa kakayahan mo, at totoo naman dahil higit pa sa aking inaakala ang naibigay mong kinalabasan... Wala na akong iba pang masasabi kundi "Salamat" at katulad ng pangako ko sa iyo bago pa man tayo ikasal... patuloy kitang mamahalin at susoportahan sa lahat ng bagay. Mahirap magsalita... ipapakita ko na lang sa'yo araw-araw ang tunay na pangako ng pagiging asawa.

0 comments: